Mga bading at tomboy hindi psychologically fit sa PNP
August 21, 2004 | 12:00am
Hindi psychologically fit at posibleng maraming bumagsak sa mga homosexuals na nagnanais na mapabilang sa Philippine National Police (PNP) pagdating sa standard ng kuwalipikasyon para maging isang tunay na alagad ng batas.
Ito ang inihayag kahapon ni incoming PNP Chief Deputy Direcror Gen. Edgar Aglipay kasabay ng paglilinaw sa napaulat na pabor siya sa pagpasok ng mga bading at tomboy sa organisasyon.
Sinabi ni Aglipay na walang katotohanan ang naireport na pabor na pabor at hinihikayat pa niya ang mga bading at tomboy para pasukin ang larangan ng pagiging isang pulis bunga na rin ng kakulangan ng mga tauhan ng PNP.
Ani Aglipay, tiyak na maraming lalagpak sa required test ng PNP hinggil sa psychological fitness.
Subalit nilinaw naman ni Aglipay na walang batas na pumipigil sa mga bakla at tomboy na pumasok sa police force bagaman naniniwala ang heneral na marami sa mga aspiranteng homosexuals ang magkakaroon ng problema sa psychological test.
Magugunitang ang isyu hinggil sa homosexuals sa loob ng PNP at AFP ay uminit matapos na maghain ang isang party list ng panukalang batas sa Kongreso na nagpapataw ng kaparusahan laban sa diskriminasyon sa hanay ng mga homosexuals.
Nabatid na noon pa man ay lantad na sa publiko na marami na sa PNP ang nagmula sa third sex at matagal na rin nilang napasok ang kapulisan.
Welcome naman sa pamunuan ng NPDO ang mga bakla at tomboy na gustong maging isang pulis dahil na rin sa kakulangan ng kanilang mga tauhan, ayon kay NPDO director Chief Supt. Marcelino Franco Jr.
Pabor din naman dito, si Parañaque City Police chief Supt. Ronald Estilles na nagsabing may magagawa ang mga bakla at tomboy lalo na sa pagresolba ng krimen tulad ng kidnapping at terorismo. (Ulat nina Joy Cantos, Rose Tamayo at Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am