^

Metro

8 PDEA agents kinasuhan ng extortion

-
Walong ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang sinampahan ng kasong robbery-extortion sa Department of Justice (DOJ) matapos na ireklamo ang mga ito ng mag-asawang Muslim.

Ang mga sinampahan ng kasong robbery, unlawful arrest at incriminating machination ay kinabibilangan nina Chief Insp. Romualdo Iglesia, Sr. Insp. Romeo Ochave at sina PO2s Roland de Guzman, Dionelito Rabasol, Alejandro Manangan, Anthony Torres, Arnel Victoriano at Bobby Santillan.

Isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nasabing kaso batay na rin sa reklamo ng mag-asawang negosyante na sina Norhanisa at Abdul Ibrahim Sangcopan.

Ang nasabing mag-asawang biktima ay sakay ng kanilang kotse kasama ang dalawang anak nang harangin sila ng mga suspect sakay ng isang Starex van sa Tungkong, Mangga.

Kinuha umano ng mga suspect ang kanilang pera na nagkakahalaga ng P74,000 at mga alahas na nagkakahalaga ng P200,000. Sinasabing pinakawalan ng mga suspect si Norhanisa at mga anak nito upang kumuha pa ng mas malaking halaga.

Ang mga nasabing suspect ay humihingi umano ng halagang P1M ngunit hiniling naman ng mga biktima na P300,000 na lamang na pinayagan naman ng una. Bunga nito’y sinampahan ng nasabing kaso ang mga nabanggit na pulis matapos din na positibong kilalanin ang mga ito ng mag-anak na biktima sa isang photo gallery na hawak ng mga awtoridad. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ABDUL IBRAHIM SANGCOPAN

ALEJANDRO MANANGAN

ANTHONY TORRES

ARNEL VICTORIANO

BOBBY SANTILLAN

CHIEF INSP

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIONELITO RABASOL

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with