^

Metro

4 na totoy timbog sa holdap

-
Mga bata pa lang ngunit nagawa nang mangholdap at handa na ring pumatay ng apat na totoy na nasa gulang 12-15 nang biktimahin nila ang isang mag-ina, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nakadetine ngayon sa WPD Station 2 ang mga suspect na itinago sa mga alyas na Jojo, Boboy, Totoy at Estong.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na sakay ng isang pampasaherong jeep dakong alas-10 ng gabi ang mag-inang sina Nena Capilla at anak na si Fatima at binabaybay ang kahabaan ng Road 10 sa Tondo. Pagdating ng sasakyan sa isang kanto ay nagsisakayan ang apat na totoy.

Mabilis na tinutukan nito ang mag-ina at tinangay ang mga gamit ng mga ito. Nang pumalag si Gng. Capilla ay inambaan pa siya ng saksak ng isa sa mga suspect.

Mabilis na tumakas ang mga suspect subalit agad din silang nasukol sa loob ng Jose Reyes Memorial Medical center ngunit hindi na narekober ang mga gamit na kinuha sa kanilang biktima.

Naniniwala ang pulisya na may sindikatong humahawak sa mga suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BOBOY

CAPILLA

DANILO GARCIA

ESTONG

FATIMA

GNG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL

MABILIS

NENA CAPILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with