Parak hulog sa bitag ng mga kasamahan
August 19, 2004 | 12:00am
Pinatunayan kahapon ng PNP Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (PNP-AID-SOTF) na walang sinasanto ang kanilang idineklarang all-out war laban sa mga kotong/hulidap cops matapos dakpin ang sarili nilang tauhan na sangkot sa extortion sa isinagawang entrapment operations sa loob mismo ng Camp Crame.
Sa ginanap na press briefing, iniharap ni PNP AID-SOTF Chief Deputy Director Gen. Edgar Aglipay ang nahuling suspect na si PO3 Edgar Ortega Galorio, 37, miyembro ng 2nd Special Operations Unit.
Ayon kay Aglipay, si Galorio ay nadakip ng kanyang mga tauhan sa isinagawang entrapment operation kahapon ng madaling-araw sa tanggapan mismo ng SOU ng PNP AID-SOTF.
Nasamsam sa suspect ang P70,000 marked money mula sa pinaghihinalaang drug pusher na si Alejandro Moreno na kinotongan ng suspect.
Lumilitaw sa imbestigasyon na si Moreno ay dinakip ni Galorio sa isang buy-bust operation noong Agosto 16 sa Sta. Ana, Manila at hinihingan ng P75,000 na naibaba sa P70,000 kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso laban dito.
Lingid sa kaalaman ni Galorio lumapit na sa tanggapan ng intelligence division ng AID-SOTF ang asawa ni Alejandro at dito isinagawa ang patibong.
Dinakip si Galorio sa aktong tinatanggap ang pera kay Alejandro. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am