^

Metro

Hapon kinidnap,tinodas sa harap ng anak

-
Wala pang isang oras na nakakatuntong sa bansa, dinukot at saka pinaslang ng hindi nakikilalang mga suspect ang isang Japanese national, kamakalawa ng gabi sa Malate, Manila.

Nasawi sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang nakilalang si Pasashi Matsujura, 42.

Sa ulat ng WPD District Intelligence and Investigation Division (DIID), naganap ang insidente dakong alas-11:40 ng gabi sa panulukan ng Singalong St. at Quirino Avenue sa Malate, Manila.

Nabatid na sinundo ang biktima sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng kanyang mga anak na sina Nina, Ken at Yoya kasama ang pamangkin na si Rachel Vanessa David at bayaw na si Ike Manuel.

Habang binabagtas nila ang kahabaan ng Roxas Boulevard lulan ng isang kulay asul na Kia Pregio ay bigla na lang silang hinarang ng isang Ford Sedan na may plakang TBE-987.

Tatlo sa apat na mga armadong suspect na nakasuot ng SWAT uniform ang bumaba at inagaw kay Manuel ang pagmamaneho sa van.

Nagawa namang makatakbo at makatakas ni Manuel. Isa sa mga suspect ang siyang nagmaneho sa van ng mga biktima.

Nang dumating sa panulukan ng Singalong St. at Quirino nagsibaba na ang mga suspect bitbit ang dalang bagahe at pera ng Hapones.

Gayunman, isa sa mga suspect ang sandaling nagpaiwan at saka pinagbabaril ang Hapones sa harap ng mga anak nito.

Nagsitakas ang mga suspect sakay ng kanilang get-away car habang isinugod naman ang biktima sa Ospital ng Maynila ngunit hindi na ito umabot pang buhay.

Sa pahayag naman ni Manuel, lumilitaw na posibleng may ‘foul play’ sa pananambang sa Hapones at hindi isang ordinaryong panghoholdap lamang.

Lumalabas na magkahiwalay na ang kanyang kapatid na si Alicia na nasa Japan pa at ang nasawing Hapones.

Magkagalit umano ang dalawa dahil may iba nang asawa ang kanyang kapatid sa Japan, habang magbabakasyon naman sa Pilipinas ang biktima kasama ang mga anak sa bayan nila sa Tarlac, Tarlac. Nabatid na tumawag pa umano si Alicia sa kanilang ina at tinanong kung anong uri ng sasakyan ang sumundo kay Matsujura.

Nabatid rin na isang mayamang negosyante sa Japan ang biktima kung saan may-ari ito ng isang malaking casino.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang WPD upang makilala ang mga suspect na hinihinalang gun-for hire at para mabatid ang tunay na motibo ng krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALICIA

DANILO GARCIA

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

FORD SEDAN

HAPONES

IKE MANUEL

MANUEL

NABATID

SINGALONG ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with