^

Metro

2 pang kidnappers ni Betty Sy,arestado

-
Dalawa pang kidnappers ng Coca-Cola executive na si Betty Chua Sy ang nadakip ng mga tauhan ng mga awtoridad kabilang dito ang isa pang mastermind sa isinagawang serye ng operasyon sa Cavite City at Quezon City.

Kinilala ni DILG Secretary Angelo Reyes ang mga nadakip na kidnappers na sina Fidel Superable Jr., alyas Junjun na nadakip sa Samonte Park, Zamora St., Cavite City at Jose Artoza, alyas Bimbo na nabitag naman sa Pantabangan St., MIA Village, Tandang Sora, Quezon City matapos ang may dalawang linggong operasyon.

Sinabi ni Reyes na si Superable ang siyang nagplano nang pagdukot kay Sy, habang si Artoza naman ang nagbalot sa bangkay nito.

Ang dalawa ay kapwa may standing warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 76 ng Quezon City at kapwa kasapi sa Lauzon/Aldas KFR group na aktibong nag-ooperate sa National Capital Region (NCR), Region 3 at 4.

Ayon kay Reyes, lumitaw sa imbestigasyon na ang dalawa ay kabilang sa 21 suspect na responsable sa pagdukot at pagpaslang kay Sy noong Nobyembre 17, 2003.

Umaabot na sa kabuuang 14 na kidnappers ang nadadakip kaugnay sa kasong kidnap-slay kay Sy.

Patuloy pa rin ang paghahanap sa pitong natitirang suspect kabilang dito si Lupin Superable na pinsan ni Fidel na sinasabing siyang gunman ni Sy. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BETTY CHUA SY

CAVITE CITY

FIDEL SUPERABLE JR.

JOSE ARTOZA

JOY CANTOS

LUPIN SUPERABLE

NATIONAL CAPITAL REGION

PANTABANGAN ST.

QUEZON CITY

SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with