^

Metro

Supervisor ng travel agency natagpuang patay

-
Malaking palaisipan sa mga awtoridad ang pagkakatagpo sa isang supervisor ng travel agency na walang buhay sa loob ng kuwarto nito habang nakatali ang mga kamay at paa, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawing biktima na si Jane Delimos, 37, supervisor ng East and West Travel Agency na matatagpuan sa Makati City at residente ng Block 6, Lot 23, Everlasting St., Almar Subdivision, Leano ng nasabing lungsod. Nagtamo ito ng mga saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan at may bakas pa na ito ay sinakal.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kuwarto nito sa ikalawang palapag ng bahay.

Nauna rito, umalis ang katulong ng biktima na si Melissa Aris sa bahay ng kanyang amo at pagbalik nito ay naka-lock na ang pinto. Makalipas ang ilang minutong pagtitiyagang pagkatok ay hindi pa rin nagbubukas ang biktima.

Agad na humingi ng tulong sa kanilang kapitbahay si Aris at isa sa mga ito ang umakyat sa bubungan upang silipin kung ano ang nangyari sa biktima at nakita nito ang walang buhay na si Delimos.

Dahil dito, puwersahang binuksan ng mga kapitbahay ang pinto ng bahay at doon nga nakita ang duguang bangkay ng biktima na itinali pa ang mga kamay at paa. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ALMAR SUBDIVISION

ARIS

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

EAST AND WEST TRAVEL AGENCY

EVERLASTING ST.

JANE DELIMOS

MAKATI CITY

MELISSA ARIS

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with