^

Metro

Awayan sa lupa, pulisya at squatters nagbarilan

-
Namayani ang tensiyon kahapon ng hapon sa Pasig City matapos na makipagbarilan ang mga squatters na pawang mga miyembro ng militar sa mga awtoridad dahil na rin sa away sa lupa.

Tinamaan ng bala ng baril sa hita si Joseph Resotas matapos na magsimula ang palitan ng putok dakong alas 2 ng hapon.

Nabatid kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Ricardo de Leon na humingi sa kanila ng tulong ang mga security guard ng Total Security Agency na nagbabantay sa compound ng Kilter Realty, Brgy. Manggahan Floodway bunga na rin ng umano’y pagmamatigas ng mga squatters na lisanin ang lugar. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad hanggang sa magsimula na ang putukan.

Aminado si de Leon na nahihirapan silang pasukin ang lugar dahil ang mga squatters ay armado ng mga matataas na kalibre ng baril tulad ng M-14, M16 at carbin.

Bagama't may sapat na kagamitan ang mga pulis kailangan na walang sibilyan na madadamay sa gulo dahil kailangan lamang madakip ang mga squatters na nagsisimula ng gulo.

Nabatid na nagmamatigas ang mga squatters na hindi sila aalis sa lugar kahit na dumanak ang dugo dahil matagal na silang naninirahan sa lugar.

Bineberipika din ni de Leon na ang nasabing lugar ay kuta ng mga drug pusher at gun for hire syndicate.

Posible umanong ang mga sindikato ang responsable sa laganap na bentahan ng droga at pagbebenta ng baril na kadalasang ginagamit ng mga kidnapper at holdaper sa kanilang mga operasyon sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Gumamit na rin ng helicopter at APC ang pulisya kung saan nadakip ang walong katao at nakuhanan ng isang M16 rifle at .22 caliber na baril ang mga ito. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

DIRECTOR RICARDO

EDWIN BALASA

JOSEPH RESOTAS

KILTER REALTY

MANGGAHAN FLOODWAY

METRO MANILA

NABATID

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with