^

Metro

2 bata patay sa sagasa

-
Dalawang 3-anyos na bata ang namatay matapos na masagasaan sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City.

Unang naireport dakong alas-4:05 kamakalawa ng hapon ang pagkamatay ni Michaela Sison ng #79 Naga St., Pael Compound, Brgy. Culiat matapos na magtamo ng pagkabasag ng bungo at pagkabali ng katawan. Namatay ito habang ginagamot sa Veterans Memorial Medical Center.

Nakakulong naman sa CPD Traffic Sector 4 ang taxi driver na si Samson Nono, 38, ang sinasabing nakasagasa kay Sison.

Nabatid na nahulog sa kanilang owner-type jeep ang biktima kasama ang kanyang amang si Michael Vincent habang binabagtas ang Agham Road sa Q.C.

Huli na nang makita ng suspect na si Nono na nasagasaan niya ang biktima.

Samantala, nasagasaan din at namatay si Jenniver Torres, ng #13 Rose St., Payatas, habang mabilis namang tumakas ang suspect na si Domingo Taguyo.

Ayon kay PO3 Reynaldo Patiag ng CPD-Traffic Sector 5, naganap ang insidente dakong alas-9:20 kahapon ng umaga sa panulukan ng Asuzena St. at Kanluran Ext.

Pinapasok ni Taguyo sa kanyang machine shop ang kanyang sasakyan nang biglang tumawid ang biktima.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad si Taguyo. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AGHAM ROAD

ASUZENA ST.

DOMINGO TAGUYO

DORIS FRANCHE

JENNIVER TORRES

KANLURAN EXT

MICHAEL VINCENT

MICHAELA SISON

NAGA ST.

TRAFFIC SECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with