Ayon sa ulat na nakarating sa Southern Police District Office (SPDO) naganap ang insidente dakong alas-12:10 kahapon ng madaling-araw sa harapan mismo ng munisipyo ng Taguig na matatagpuan sa Brgy. Tuktukan ng nabanggit na bayan.
Nauna dito, nadakip ng mga tauhan ng DEU ang dalawang tulak sa droga na nakilalang sina Kahar Goldy, 27 at Benjamin Usman, alyas Ben dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi sa Maharlika Village, Taguig.
Ilang minuto pa ay dumating sa tanggapan ng Taguig Police sina PO1 Ladislao Nuguid, 27, nakatalaga sa RSAU, NCRPO at isang sibilyan agent na si Nasser Tayuan, 30, upang arborin ng mga ito ng mga nadakip na suspect.
Ngunit hindi pinagbigyan ng Taguig Police ang kahilingan ng dalawa, kayat nagtawag si PO1 Nuguid ng kanyang mga kasamahan.
Tinatayang 30 katao na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril at hinihinalang mga pulis na nakatalaga sa RSAU ang dumating sa Taguig Police upang kunin ag dalawang inarestong suspect.
Naging dahilan upang magpaputok ng baril ang mga kagawad ng RSAU, NCRPO at gumanti naman ng putok ang mga tauhan ng Taguig Police.
Nagmistulang war zone ang lugar at aabot sa daang libong piso halaga ng nawasak dahil sa mga pagpapaulan ng bala ng baril. Masuwerte namang walang taong nadamay sa insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)