Hindi makapag-asawa nagbigti
August 14, 2004 | 12:00am
Sa ikatlong pagtatangka natuluyan sa pagpapakamatay ang isang 39-anyos na binata dahil sa matinding depresyon sa buhay dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa siya nakakapag-asawa, kahapon ng umaga sa Taguig.
Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Gilbert Enaje, ng 36 Pres. Quirino Avenue, Purok 7, Brgy. Signal Village ng nabanggit na bayan matapos na ito ay magbigti.
Sa imbestigasyon ng pulisya, noong 1986 at 1989 nagtangka na umanong magpakamatay si Enaje sa pamamagitan nang paglaslas sa pulso.
Subalit sa dalawang pagtatangka, ito ay nakaligtas makaraang maagapan.
Sa ikatlong pagtatangka nito sa pamamagitan nang pagbibigti ay natuluyan na ito.
Nabatid ng pulisya na matinding depresyon sa buhay ang posibleng dahilan ng isinagawa nitong pagpapakamatay dahil hanggang ngayon ay hindi pa ito nakakapag-asawa. (Ulat ni Lorderth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended