2 bitay sa polio victim na humalay sa retardate
August 13, 2004 | 12:00am
Dalawang ulit na kamatayan ang inihatol ng Manila Regional Trial Court (RTC) laban sa isang lalaki na may polio matapos nitong halayin at mabuntis ang isang 19-anyos na mentally-retarded limang taon na ang nakakalipas sa Tondo, Manila.
Bukod sa dalawang ulit na bitay, pinagbabayad din ni RTC Branch 18 Judge Romulo Lopez ang akusadong si Jesus Vitug Jr. ng halagang P50,000 bilang indemnity damage sa biktima.
Lumalabas sa rekord ng korte na naganap ang panghahalay ng akusado sa biktima noong Marso 1999 habang naliligo ang biktima sa banyo ng kanilang bahay na matatagpuan sa Quiricada, Tondo nang biglang pasukin ni Vitug na armado ng patalim.
Kaagad na tinalian ng straw ng akusado ang biktima sa kamay at nilagyan ng packaging tape ang bibig at saka tuluyang ginahasa sa loob ng banyo.
Hindi agad nagsumbong ang biktima sa kanyang pamilya dahil nangungupahan lamang sila sa lolo ng akusado.
Naulit ang panghahalay noong Abril ng 1999 dahilan upang tuluyang mabuntis ang biktima. Pinagbantaan pa ng suspect na papatayin ang biktima sakaling magsumbong ito.
Hindi rin nagsumbong ang biktima at natuklasan na lamang ang kahayukan ng akusado nang lumaki na ang tiyan ng biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest