^

Metro

Bulsa ng uniporme ng mga pulis, bawal na

-
Posibleng magbago na naman ng uniporme ang mga pulis na makakatulong umano para maiwasan ang kanilang pangongotong.

Ipinanukala ng National Police Commission (NAPOLCOM) na alisan ng mga bulsa ang uniporme ng mga pulis para walang mapagtaguan ng pera, nang sa gayon ay makaiwas sa pangongotong.

Sa bagong panukala ni DILG Secretary at NAPOLCOM Chairman Angelo Reyes binanggit nito na marapat lamang na tanging ang name plate lang ang nakalagay na borloloy sa uniporme ng mga pulis at wala na kahit isang bulsa.

Kasabay nito, ipinanukala rin ng NAPOLCOM sa lahat ng traffic police na kapag may hinuling mga driver na lumabag sa batas trapiko sila na ang lalapit dito o di kaya ay sila na ang aakyat sa bus para masaksihan ng mga pasahero ang kanilang pakikipag-transaksyon.

Layunin ng mga bagong panukalang ito na kung hindi man tuluyang masupil ay mapigilan man lang ang mga pangongotong ng mga awtoridad partikular na sa lansangan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CHAIRMAN ANGELO REYES

IPINANUKALA

KASABAY

LAYUNIN

LORDETH BONILLA

NAPOLCOM

NATIONAL POLICE COMMISSION

POSIBLENG

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with