^

Metro

Bebot todas sa holdap

-
Isang hindi pa nakikilalang babae ang nasawi, habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang holdapin ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang isang pampasaherong jeep, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pangalan ng nasawi na tinatayang nasa 30-35 taong gulang, may taas na 5’3 talampakan, maiksi ang buhok at nakasuot ng uniporme ng ospital. Dala lahat ng mga suspect ang gamit nito kaya walang nakuhang anumang identification card dito. Nagtamo ito ng dalawang tama ng bala ng baril sa kaliwang bahagi ng ulo.

Samantala, sugatan din sa naturang insidente ang isa pang pasahero na si Carlito Canete, 26, ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Nabatid sa pulisya na bandang alas-10:30 ng gabi nang holdapin ng mga suspect ang isang pampasaherong jeep sa may tapat ng Jordan Plains Subdivision, Novaliches na doon lulan ang mga biktima.

Dahil sa matinding takot nagsisigaw umano ang nasawi dahilan upang paputukan siya ng dalawang ulit sa ulo ng isa sa mga suspect, samantalang si Canete naman ay nasugatan makaraang tumalon sa jeep.

Matapos malimas ang lahat ng pera at gamit ng mga pasahero ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect habang iniwang nakahandusay at duguan ang babaeng biktima. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BRGY

CANETE

CARLITO CANETE

CRUZ

DAHIL

HOLY SPIRIT

JORDAN PLAINS SUBDIVISION

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with