^

Metro

Binata tinodas ng karibal

-
Isang binata ang nasawi matapos itong saksakin ng kanyang karibal sa pag-ibig dahil sa matinding selos, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Patay na nang idating sa Pagamutang Bayan ng Malabon sanhi ng saksak na tinamo sa batok at dibdib ang biktimang si Roland Ruelan, 19, pedicab driver at residente ng Jacinto St., Brgy. Ibaba ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na si Louie Cordevilla na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang krimen malapit sa bahay ng biktima.

Nabatid na ihahatid ng biktima ang babaeng kanyang nililigawan nang makasalubong nila ang suspect na sinasabing karibal sa pag-ibig ng una.

Matapos maihatid ang kanyang nililigawan ay nagpasya na ang biktima na umuwi ngunit nang naglalakad na ito ay muli nitong nakasalubong ang suspect na si Cordevilla na noon ay armado na ng icepick.

Sinabi ng mga saksi na pinagmumura ng suspect ang biktima at nang tangkain ni Ruelan na lumayo ay agad siyang inundayan ng saksak sa dibdib at batok ng suspect.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, matagal na umanong magkaribal sa pag-ibig ang biktima at suspect at sa tuwing magsasalubong ng landas ay palaging nagtatalo hanggang sa maganap nga ang pananaksak kamakalawa ng gabi. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BRGY

CORDEVILLA

IBABA

JACINTO ST.

LOUIE CORDEVILLA

MALABON CITY

PAGAMUTANG BAYAN

ROLAND RUELAN

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with