^

Metro

5 timbog sa pagbebenta ng mga pekeng papeles ng mga baril

-
Nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang nagpakilalang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at apat pa nitong kasamahan na sangkot sa pagbebenta ng mga pekeng mission order at mga papeles ng mga baril sa Pasay City.

Iniharap kahapon sa mga mamamahayag ni NBI director Reynaldo Wycoco ang mga suspect na sina Marcelo Guese, 57, ng Pasay City; Danilo Langilao; Abdul Hamid McArthur; Anacleto Aporto at Rolie Precioso.

Sa imbestigasyon ng NBI sangkot si Guese sa pagbebenta ng mga pekeng mission order (MO), memorandum receipts (MR), appointment at authentication card buhat sa AFP-CRS kapalit ng halagang buhat sa P2,000 hanggang P5,000.

Ang pagdakip sa mga suspect ay bunsod sa reklamong iniharap ng magkapatid na Diamadil at Ismael Mangumpig na kapwa nagbigay kay Guese ng tig-P3,000 para sa MO at MR. Natuklasan naman nila na peke ang mga ito nang hulihin si Diamadil ng isang pulis noong Hulyo 13 dahil sa posesyon ng baril.

Dahil dito, isinagawa ng NBI ang entrapment operation laban kay Guese at apat pa nitong kasabwat. (Ulat ni Danilo Garcia)

ABDUL HAMID

ANACLETO APORTO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DANILO GARCIA

DANILO LANGILAO

DIAMADIL

GUESE

ISMAEL MANGUMPIG

MARCELO GUESE

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with