Dakong alas-8 ng umaga nang dumagsa ang isang uri ng ibon sa himpapawid ng Bgys. Malanday at Dalandanan sa Valenzuela City.
Ilang minuto ding nagpaikut-ikot ang mga ibon sa buong lugar na animoy naghahanap ng kanilang madadapuan.
Nang magawi ang mga ibon sa mga makakapal na puno ay nagsipahinga ang mga ito bago tuluyang umalis nang sabay-sabay.
Ang naturang mga ibon na tinatawag na "Migrate" ay maliit ng kaunti sa mga Phil. Eagle ngunit mas mabilis ang mga ito na lumipad bukod pa sa mas mahaba ang mga tuka ng mga ito.
Ang "Migrate" umano ay isang uri ng ibon na may kakayahang magpalipat-lipat ng lugar. Ito umano ay nakakaikot sa ibat ibang bansa kaya nga ang pangalan ay hinango sa kanilang kakayahang maglakbay sa malalayong lugar. (Ulat ni Rose Tamayo)