Anak ng ADB executive kakasuhan sa pagkamatay ni Usec. Ponce
August 10, 2004 | 12:00am
Nakatakdang sampahan ng kaso ngayong araw na ito ng pulisya ang anak ng isang executive ng Asian Development Bank (ADB) na siyang nagmamaneho sa sasakyang bumangga sa sinasakyan ni dating Manila Congressman at Undersecretary Nestor Ponce na nagresulta sa pagkasawi nito, kamakalawa sa Pasig City.
Ayon kay Traffic Investigator SPO3 Alexander Galang, kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isasampa nilang kaso laban kay Jason Ivler, 23, anak ng isang opisyal ng ADB na ngayon ay kasalukuyan ding nakaratay sa Asian Hospital sanhi ng tinamong bali sa leeg nang sumampa sa island at bumangga ang minamaneho nitong Toyota Prado Land Cruiser na may plakang ADV-23370 sa Isuzu Tropper na may plakang XLN-714 na sinasakyan naman ng mag-asawang Ponce sa may C-5 flyover sa Ortigas, Brgy. Ugong ng nabanggit na lungsod.
Papunta sana ang mag-asawa sa Tagaytay para magsimba.
Si Nestor Ponce, undersecretary ng Presidential Technical Assistant for Resettlement ay idineklarang dead on arrival sa Medical City matapos na magtamo ng grabeng pinsala sa kaliwang bahagi ng katawan. Durog din ang kamay nito, malubha ring nasugatan ang kanyang misis na si Evangeline.
Isinugod naman si Ivler, residente ng Blue Ridge Subdivision sa Quirino Medical Center subalit agad itong inilipat ng kanyang kaanak sa Asian Hospital.
Malalaman din ngayong araw na ito kung nasa ilalim ng impluwensiya ng alkohol si Ivler ng maganap ang aksidente. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended