^

Metro

Pananambang sa ABC president, may bahid-pulitika

-
Pulitika ang nakikitang motibo ng pamamaslang kay Caloocan City Association of Barangay Captains (ABC) president Roger Saraza na tinambangan ng anim na armadong kalalakihan sa Bulacan, kamakalawa ng umaga na ikinasawi din ng kanyang bodyguard na pulis.

Sa nakalap na impormasyon, sinabi ni Saraza sa kanyang pamilya bago ito namatay na may ilang politiko na galit sa kanya at nais siyang alisin sa tungkulin bilang pangulo ng ABC sa Caloocan.

Ayon sa source nabanggit din sa kanya ng biktima na nakasagutan nito si Caloocan City Mayor Enrico " Recom" Echiverri tungkol sa naturan ding isyu kung saan minura ng una ang huli na labis nitong ikinagalit.

Noong Martes ng magkaroon ng assembly meeting ang mga barangay captain sa Caloocan City Hall kung saan isa sa mga pinag-usapan umano ang pagpapatalsik sa biktima at ipapalit ang anak umano ni Echiverri na isang barangay captain.

Nagmatigas naman si Saraza na bumaba sa puwesto sa kabila ng botohan kung saan may 188 miyembro ng asosasyon ang pumabor na paalisin na ito.

Naniniwala naman ang pamilya ni Saraza na hired at professional killer ang pumaslang sa biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

BULACAN

CALOOCAN CITY ASSOCIATION OF BARANGAY CAPTAINS

CALOOCAN CITY HALL

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

NOONG MARTES

ROGER SARAZA

ROSE TAMAYO

SARAZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with