^

Metro

Mga gusali ng eskuwelahan at shopping malls iinspeksiyunin

-
Upang hindi matulad sa nangyaring sunog sa bansang India, inatasan ni DILG Undersecretary Marius Corpus ang Bureau of Fire Protection na magsagawa ng inspection sa mga eskuwelahan at shopping malls sa Metro Manila.

Ang direktiba ni Corpus ay alinsunod na rin sa kautusan ni DILG Secretary Angelo Reyes na tiyaking ligtas ang mga eskuwelahan at shopping malls upang maiwasan ang sunog na tulad na nangyari sa bansang India kung saan daan-daang shopper ang namatay matapos na ma-trap.

Ipinaliwanag ni Corpus na binigyan na niya ng direktiba si Bureau of Fire Protection Officer-in-Charge Chief Supt. Rogelio Asignado na agad na ipatupad ang ocular inspection sa mga paaralan at iba pang establisimyento upang maiwasan ang karahasan dulot ng sunog.

Kailangan umano’y pulungin ng mga city at municipal fire marshal sa bansa ang mga may-ari ng gusali at establisimyento upang agad na maisaayos ang anumang sira o depekto ng kanilang mga electrical wiring.

Bukod dito, nanawagan din si Corpus sa mga negosyante na sundin ang sinasaad na safety rules ng BFP upang maiwasan ang anumang sakuna. (Ulat ni Doris Franche)

BUKOD

BUREAU OF FIRE PROTECTION

BUREAU OF FIRE PROTECTION OFFICER-IN-CHARGE CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

IPINALIWANAG

METRO MANILA

ROGELIO ASIGNADO

SECRETARY ANGELO REYES

UNDERSECRETARY MARIUS CORPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with