Sa sulat ni Director Antonio Antonio kay Oscar Salud, pangulo ng sectoral council ng UBHAI, hiniling nito na simulan na ang pagpapatalsik kay Atty. Carmelo Valera batay na rin sa Board Resolution na inaprubahan ng mga direktor noong Hulyo 19, 2004.
Ginawa ding basehan ni Antonio ang TRO na inisyu ng HLURB laban sa panunungkulan ni Valera bilang pangulo.
Bukod dito, hiniling din ni Antonio na ipaliwanag at ibalik ni Valera ang nawawalang koleksiyon ng asosasyon na nagkakahalaga ng P1.160 milyon cash; 2,475 sticker ng samahan na nagkakahalaga ng P1.7 milyon; kakulangan sa pondo ng asosasyon na umaabot sa P2 milyon at double payments sa Combat Security Agency. (Ulat ni Lordeth Bonilla)