^

Metro

Pangulo ng BF Homes Association pinasisibak sa puwesto

-
Pinasisibak sa puwesto at binabalak na sampahan ng kasong kriminal at sibil ng mga direktor ng United BFHome Owners’ Association, Inc. sa Parañaque City ang kasalukuyang pangulo ng samahan at ilang tauhan nito sanhi ng mga gawaing nakasisira una sa interes ng UBFHAI.

Sa sulat ni Director Antonio Antonio kay Oscar Salud, pangulo ng sectoral council ng UBHAI, hiniling nito na simulan na ang pagpapatalsik kay Atty. Carmelo Valera batay na rin sa Board Resolution na inaprubahan ng mga direktor noong Hulyo 19, 2004.

Ginawa ding basehan ni Antonio ang TRO na inisyu ng HLURB laban sa panunungkulan ni Valera bilang pangulo.

Bukod dito, hiniling din ni Antonio na ipaliwanag at ibalik ni Valera ang nawawalang koleksiyon ng asosasyon na nagkakahalaga ng P1.160 milyon cash; 2,475 sticker ng samahan na nagkakahalaga ng P1.7 milyon; kakulangan sa pondo ng asosasyon na umaabot sa P2 milyon at double payments sa Combat Security Agency. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BOARD RESOLUTION

BUKOD

CARMELO VALERA

COMBAT SECURITY AGENCY

DIRECTOR ANTONIO ANTONIO

GINAWA

HULYO

LORDETH BONILLA

OSCAR SALUD

PINASISIBAK

VALERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with