Bangkay sa ilalim ng dagat
August 8, 2004 | 12:00am
Palaisipan sa mga awtoridad ang pagkakatagpo sa bangkay ng isang caretaker na may nakatali pang pabigat sa katawan nito nang iahon ito mula sa dagat kahapon ng umaga sa Navotas.
Halos naaagnas na ang katawan ng biktima na nakilalang si Roderick Silvestre alyas Doyee, 26, caretaker ng Sherry Fising Vessel na matatagpuan sa Lachenal Compound, Brgy. Daang Hari at residente ng 136 A.Cruz St. Brgy. Tangos ng nasabi ding bayan.
Batay sa ulat ng pulisya, si Silvestre ay kinilala ng kanyang kasamahan na si Alexander Onato, machine operator ng naturang fishing vessel.
Ilang kawani ng fishing vessel ang unang nakapansin ng paglutang ng tali sa tabi ng compound ng kompanya kung kayat hinila nila ito subalit hindi nakayanan ang bigat.
Dahil dito, humingi ng tulong ang mga kawani ng fishing vessels sa iba pang kasamahan nila at tumambad sa kanila ang naaagnas ng katawan ni Silvestre na may pabigat na bakal.
Hindi naman matukoy ng pulisya kung nag-suicide o pinatay ang biktima kung kayat isasailalim pa ito sa awtopsiya. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended