Mag-amang karnaper timbog
August 8, 2004 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang mag-amang karnaper makaraang mahuli sa isang chokepoint kahapon ng umaga sa Quezon City.
Kinilala ni CPD-La Loma Station chief Supt. Alfred Corpuz ang mga suspect na sina Godofredo Ochengco, Jr,. 58 at anak nitong si Joselito, 20 kapwa ng Gatbuca, Calumpit, Bulacan matapos na ireklamo ng biktimang si Lady Vhee de Leon, 25, ng 1511 Alcantara St. Sampaloc, Maynila.
Lumilitaw na ibinebenta ng biktima ang kanyang Nissan Exalta na may plakang WRS-945 noong Mayo 16 sa suspect na si Godofredo na unang nagpakilalang si Randy Untalan sa Tower Bldg. sa Roxas Blvd.
Sinabi umano ni Godofredo na ite-test drive muna niya ang sasakyan kung kayat pumayag naman ang biktima. Subalit agad itong pinaharurot ng suspect.
Dahil dito agad na inireport ng biktima ang insidente kayat pinaalarma niya sa PNP-TMG ang bawat istasyon upang mabawi ang kotse.
Naispatan naman ng mga pulis na nagsasagawa ng chokepoint sa A. Bonifacio Ave. ang mga suspect dakong alas 6:10 ng umaga. Hinabol ito ng mga pulis at nakorner sa Mauban St. Brgy. San Jose, ng nasabing lungsod. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am