^

Metro

6 drug traffickers arestado ng NBI

-
Anim na drug traffickers na kinabibilangan ng apat na Chinese national at mag-asawang Muslim ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkakasunod na operasyon sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang mga suspect na sina Albert So, 38; Lo Meh Sy alyas Shi Yi Ze, 28; Tony Sy, 40; at Alex Sy, 30, pawang nakatira sa Unit 3408 Sunview Palace Condominium sa T.M. Kalaw St., Malate, Maynila at mag-asawang Edbra at Intan Pagador, kapwa ng 255 McArthur st., Bgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Sa ulat ng NBI Anti-Drug Task Force, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kanilang asset hinggil sa talamak na operasyon ng mga drug suspect.

Agad na nagsagawa ng surveillance ang mga awtoridad hanggang sa makumpirma ang impormasyon at magpaisyu ng warrant of arrest mula sa Manila Regional Trial Court laban sa mga suspect.

Kumpiskado mula sa mga suspect ang anim na pakete ng shabu, tatlong timbangan at gamit sa pagre-repack ng nasabing ilegal na droga.

Nakuha rin sa mag-asawang Muslim ang ilang shabu at paraphernalia kasama ng Toyota FX van na kanilang ginagamit sa operasyon.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang nakatakdang isampa laban sa mga suspect na kasalukuyang nakakulong sa NBI. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALBERT SO

ALEX SY

COMPREHENSIVE DANGEROUS ACT

DANILO GARCIA

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG TASK FORCE

INTAN PAGADOR

KALAW ST.

LO MEH SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with