^

Metro

Kinidnap na kolehiyala nakatakas sa mga abductors

-
Matagumpay na nakatakas ang isang kolehiyala na anak ng isang negosyante sa Pampanga sa kanyang mga kidnappers hanggang makarating sa Maynila na dito nakahingi ng tulong.

Nakilala ang nakatakas na kidnap-victim na si Tiffany David, 20, kumukuha ng BS-Office Management sa STI at residente ng St. Francis Village, Dolores, Pampanga.

Nabatid naman na anak ito ng isa sa may-ari ng V-Meg Corporation na gumagawa ng mga patuka ng manok at pagkain ng baboy.

Sa salaysay ng biktima sa WPD-General Assignment Section, nag-aabang siya ng sasakyan papauwi ng bahay kamakalawa ng gabi sa tapat ng SM Pampanga nang lapitan siya ng isa sa anim na suspect at paamuyin ng pampatulog gamit ang isang panyo.

Naramdaman na lamang umano niya na nakasakay siya sa isang van at nang tuluyang balikan ng ulirat ay nasa loob na siya ng isang bodega.

Napansin din nito na nakatulog ang dalawa niyang bantay kaya’t sinamantala niya ang pagtakas.

Kahit na nakayapak at nakauniporme pa ay narating niya ang Monumento kung saan isang matandang babae ang tumulong sa kanya at dinala siya sa Maynila ngunit nagpaiwan na lang siya sa may Baywalk, Roxas Boulevard sa Malate.

Sa paglakad niya ay nakarating ito sa UN Avenue kung saan tinulungan ng isang Renato Manggiya, miyembro ng Public Safety Office ng Manila City Hall. Dinala nito ang biktima sa tanggapan ng WPD at doon na nagsumbong.

Nabatid pa na isang bodega sa Caloocan dinala ang biktima. Isang operasyon naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa mga suspect. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

ISANG

MANILA CITY HALL

MAYNILA

NABATID

OFFICE MANAGEMENT

PAMPANGA

PUBLIC SAFETY OFFICE

RENATO MANGGIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with