^

Metro

Albularyo,anak nalitson sa sunog

-
Patay ang isang faith healer at ang 9-anyos na anak nito makaraang makulong sa nasusunog nilang bahay, kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Ang mga nasawi na halos hindi na makilala sanhi ng sobrang pagkatusta ay sina Hector "Boy" Ponce, 62; at anak na si David Ponce, 9, residente ng #517 Nabsala Compound, Brgy. Kalawaan ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni SF/Inspector Salvador Norberto Jr. ng Bureau of Fire ng Pasig City naganap ang insidente dakong alas-12:15 ng madaling-araw nang matupok ang bahay ng mga biktima.

Nabatid na natumba ang kandilang nakalagay sa altar sa sala ng kanilang bahay. Ilang saglit pa ay mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan.

Agad namang nakatawag ng pamatay-sunog ang mga kapitbahay ng mga biktima.

Mabilis namang naapula ang sunog at wala namang nadamay na iba pang kabahayan.

Nang pasukin ng mga bumbero ang nasunog na bahay ay nakita sa parteng kusina ang bata na nakasampay sa hamba ng bahay na sunog ang buong katawan at sa sala naman natagpuan ang tatay nito.

Ayon sa mga kapitbahay ng mga biktima palagi umanong may nakasinding kandila sa altar ng bahay ng mga ito dahil ginagamit ito sa panggagamot ng nasawing albularyo. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

BAHAY

BRGY

BUREAU OF FIRE

DAVID PONCE

EDWIN BALASA

INSPECTOR SALVADOR NORBERTO JR.

NABSALA COMPOUND

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with