^

Metro

Sindikatong dumudukot,nagbebenta ng mga bata,timbog

-
Nasakote ng mga tauhan ng WPD- Special Operations Group (SOG) ang apat na miyembro ng isang sindikato na dumudukot at nagbebenta ng mga batang kalye, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Danilo Ortega, Caroline Francisco at ang mag-asawang sina Joel at Mary Grace Rodriguez.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na nagreklamo sa kanilang tanggapan ang ina ng 2-anyos na batang itinago sa pangalang Lenlen na dinukot umano ng suspect na si Ortega habang natutulog sa tapat ng Quinta Market sa Quiapo dakong alas- 10 ng gabi.

Ayon sa inang si Aling Gloria, nagising na lamang siya nang biglang mag-iiyak ang kanyang anak at nang kanyang tingnan ay bitbit na ng suspect. Agad umano niyang hinabol ang suspect ngunit nakasakay na kaagad sa isang kotse na walang plaka.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya kung saan nadakip ang suspect nang muling bumalik sa Quiapo. Agad din nitong itinuro ang kanyang tatlong kasamahan sa sindikato.

Sinabi pa ni Ortega na ibinenta nila sa isang lalaki sa Silang, Cavite ang dinukot nilang bata sa halagang P1,500. Agad namang pinuntahan ng mga pulis ang naturang lugar at tatlong oras na naghanap ngunit hindi ito natagpuan.

Ayon pa sa mga pulis, isang sindikato umano ang pinagbebentahan ng mga suspect na dinadala ang mga bata sa ibang lugar. Kung minsan pinuputulan pa ang mga biktima ng paa o kamay at saka pinagpapalimos sa lansangan para pagkakitaan.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang paghaharap ng kaso laban sa mga nadakip na suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALING GLORIA

AYON

CAROLINE FRANCISCO

DANILO GARCIA

DANILO ORTEGA

MARY GRACE RODRIGUEZ

ORTEGA

QUINTA MARKET

SPECIAL OPERATIONS GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with