Inilarawan ng pulisya ang biktima na nasa edad na 24-anyos, may taas na 5 talampakan at nakasuot ng dilaw na t-shirt.
Inilarawan naman ng mga saksi ang suspect na kasama nitong nag-check-in sa motel na nasa pagitan ng edad na 25-30, 54 talampakan ang taas, kulot ang buhok at payat.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng Room 7 ng Broadway Lodge sa Quiapo.
Ayon sa mga tauhan ng motel, nag-check-in ang dalawa dakong alas-10 ng umaga. Nakarinig ng kalabugan ang mga roomboy sa motel at nang katukin nila ay sumagot pa ang suspect na ayos lang sila at walang problema.
Hindi naman umano nila namalayan na nakalabas na ng kuwarto ang lalaki.
Nang masyado nang matagal ang dalawa sa loob ay nagduda na sila kung kayat noong una ay kinatok nila ito, subalit wala nang sumasagot hanggang sa puwersahan na nilang binuksan ang kuwarto at dito nga tumambad sa kanila ang hubot-hubad na bangkay ng biktima na pinatay sa pamamagitan ng sakal.
Isang manhunt operation ang isinasagawa ng pulisya laban sa pumugang suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)