^

Metro

Bebot kinatay sa motel ng lover

-
Isang hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang patay sa loob ng isang kuwarto ng motel na hinihinalang pinaslang ng lalaking nakatalik nito, kamakalawa ng hapon sa Quiapo, Maynila.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na nasa edad na 24-anyos, may taas na 5 talampakan at nakasuot ng dilaw na t-shirt.

Inilarawan naman ng mga saksi ang suspect na kasama nitong nag-check-in sa motel na nasa pagitan ng edad na 25-30, 5’4 talampakan ang taas, kulot ang buhok at payat.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng Room 7 ng Broadway Lodge sa Quiapo.

Ayon sa mga tauhan ng motel, nag-check-in ang dalawa dakong alas-10 ng umaga. Nakarinig ng kalabugan ang mga roomboy sa motel at nang katukin nila ay sumagot pa ang suspect na ayos lang sila at walang problema.

Hindi naman umano nila namalayan na nakalabas na ng kuwarto ang lalaki.

Nang masyado nang matagal ang dalawa sa loob ay nagduda na sila kung kaya’t noong una ay kinatok nila ito, subalit wala nang sumasagot hanggang sa puwersahan na nilang binuksan ang kuwarto at dito nga tumambad sa kanila ang hubo’t-hubad na bangkay ng biktima na pinatay sa pamamagitan ng sakal.

Isang manhunt operation ang isinasagawa ng pulisya laban sa pumugang suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BROADWAY LODGE

DANILO GARCIA

INILARAWAN

ISANG

MAYNILA

MOTEL

NAKARINIG

NANG

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with