Store supervisor, sekyu kinasuhan ng Japayuki
August 2, 2004 | 12:00am
Sasampahan ng kasong act of lasciviousness at robbery ang isang store supervisor at guwardiya ng isang department store matapos nilang mapagkamalang shoplifter hanggang sa paghubarin at ihulidap ang isang OFW na kagagaling lamang ng Japan noong Biyernes sa Makati City.
Ayon sa Womens Children and Protection Desk Unit ng Makati Police, sina Jojo Salvador at Dante Velado, ng Galactic Force Security Agency kapwa nakatalaga sa Cinderella department store sa Glorietta 3 Mall, Ayala Center,Makati ay pinagharap ng reklamo ng biktimang si Blanca Kamia Masaki na pinaghubot hubad at hinulidap ng dalawa matapos na akusahan ng pagiging shoplifter.
Nabatid na kagagaling lamang ni Masaki sa Japan kung saan nagtuloy muna ito sa Makati Medical Center upang magpagamot at mamimili sana ng damit at laruan na kanyang ipapasalubong sa kanyang pamilya na nasa Barangay Poblacion Pamplona, Camarines Sur.
Nagulat na lamang siya nang biglang lumapit ang dalawa at dalhin sa kuwarto upang tingnan kung siya ay may tattoo.
Dahil sa walang makitang anumang tattoo sa katawan, hiningan siya ng mga suspect ng P10,000 na kanyang sinang-ayunan upang maiwasan na ang abala.
Subalit lingid sa kaalaman ng dalawa ay nagtungo sa pulisya si Masaki upang ireklamo ang mga ito.
Sinikap naman ng pahayang ito na kunin ang panig ng establisimyento subalit nagmatigas ang mga ito at sa halip ay tinakot pa ang reporter na ito na kanilang ireklamo sa ABS-CBN. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended