^

Metro

2 opisyal ng WPD, 4 pulis suspindido sa pangongotong

-
Dalawang opisyal ng Western Police District at apat pulis pa ang sinuspinde ng National Capital Region Police Office matapos na kasuhan ang mga ito ng extortion nang ireklamo ng tatlo nilang biktima na ikinulong ng walang kaukulang kaso.

Bukod sa kasong extortion, nahaharap din sa kasong grave misconduct sina Supt. Ferdinand Querante, deputy commander ng WPD-Station 4; Insp. Alfredo David; SPO2 Ernesto Manaois; SPO1 Wilfredo Sanchez; P03 Reynaldo Robles at PO3 Reynaldo Cuneta.

Nabatid na nagreklamo kay NCRPO chief Director Ricardo de Leon ang mga pamilya nina Sonny Sagisi, Neil Guiang at Edward Batac na umano’y dinakip ng mga pulis noong nakaraang Biyernes dakong alas 3 ng hapon at ikinulong ng walang kasong isinampa at hindi naka-record sa blotter.

Kinuha din ng mga pulis ang kanilang cellphone, relo at pera na nagkakahalaga ng P8,000 habang humihingi pa din ng P350,000 ang mga nasabing pulis para makalaya ng walang rekord ng kaso.

Kaugnay nito, inatasan din ni de Leon ang Internal Affairs Service (IAS) ng WPD upang magsagawa ng imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALFREDO DAVID

DANILO GARCIA

DIRECTOR RICARDO

EDWARD BATAC

ERNESTO MANAOIS

FERDINAND QUERANTE

INTERNAL AFFAIRS SERVICE

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NEIL GUIANG

REYNALDO CUNETA

REYNALDO ROBLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with