^

Metro

5 pang pulis -WPD sabit sa 'hulidap'

-
Limang pulis, kabilang ang isang kapitan na miyembro ng Western Police District (WPD) Station 4 ang posibleng masibak sa kanilang mga puwesto matapos na umano’y mangotong ang mga ito kapalit ang paglaya ng umano’y tatlong lalaki kabilang ang isang negosyante na mayroong mga kaso ng droga.

Personal na nagtungo si National Capital Regional Police Office (NCRPO) director Ricardo de Leon sa WPD Station 4 kasama ang dalawang batalyong SWAT team upang arestuhin sina Insp. Alfredo David, SPO2 Ernesto Manaois, SPO1 Wilfredo Sanches, PO3 Reynaldo Robles at PO3 Reynaldo Geneta, pawang mga nakatalaga sa Station Anti-Illegal Drugs (SAI).

Ang lima ay kasalukuyang nasa kustodya ng kanilang hepe na si Supt. Manolo Martinez, samantalang grounded din si Supt. Ferdinand Quirante, deputy director ng WPD dahil sa command responsibility.

Base sa imbestigasyon ni Sr. Insp. Joselito Sta. Teresa ng District Police Intelligence Unit (DPIU), ang pagkakadiskubre ng umano’y pangongotong ng mga suspect ay bunsod sa sumbong ng mga biktimang sina Sonny Sagisi, 29, businessman ng Kingsville, Antipolo City, Niel Guiang, 27, ng Valdez St., Sampaloc, Manila at Edward Batac, 34, ng #278 Sta. Teresita, Sampaloc.

Ayon sa sumbong ng mga biktima, hiningian umano sila ng P70,000 at P350,000 kapalit ang pag-aayos ng kanilang kaso dakong alas-11 kamakalawa ng gabi sa loob ng PS#4 detention cell.

Bukod dito, kinuha rin umano ng mga suspect ang Tag Heuer at Kenneth Cole watch nina Sagisi at Guiang samantalang ang cell 6600 at 3200, cash na P8,000 naman kay Batac sa loob ng bahay nito.

Bunsod nito kaya’t nagtungo sa naturang himpilan ng pulisya si De Leon at nang kanya itong siyasatin ay wala sa blotter ang pagkaaresto sa mga suspect at wala ring SOCO laboratory examination na isinagawa sa mga ebidensiya ng mga pulis.

Dahil dito kaya’t inatasan ni De Leon ang mga nabanggit na pulis na isailalim sa imbestigasyon at sampahan ng kaukulang kaso ang mga ito na posibleng mauwi sa pagkakasibak sa kanilang serbisyo. (Ulat ni Gemma Amargo)

ALFREDO DAVID

ANTIPOLO CITY

DE LEON

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

EDWARD BATAC

ERNESTO MANAOIS

FERDINAND QUIRANTE

GEMMA AMARGO

JOSELITO STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with