Inakusahang shoplifter: Japayuki pinaghubad ng 2 sekyu sa mall
August 1, 2004 | 12:00am
Isang overseas Filipino worker (OFW) na kagagaling pa lamang sa Japan ang pinaghubot-hubad at hinulidap ng dalawang guwardiya sa isang mall sa Makati matapos siyang mapagkamalang shoplifter, kamakalawa ng hapon.
Galit na galit na nagtungo sa Makati City Police ang complainant na si Blanca Kamia Masaki, 33, ng Brgy. Poblacion, Pamplona, Camarines Sur upang ipagharap ng reklamo ang dalawang guwardiya ng Cinderella na matatagpuan sa Glorietta 3 Mall sa Ayala Center sa Makati City.
Isa sa mga suspect ay nakilala lamang sa pangalang John.
Sa reklamo ni Masaki sa pulisya naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa loob ng naturang department store.
Nabatid na kagagaling lamang ng biktima sa bansang Japan at hindi muna ito umuwi sa kanilang bahay sa Bicol dahil magpapatingin pa ito kay Dra. Vicky Bello sa Makati.
Dumaan muna ang biktima kasama ang isang kaibigan sa Cinderella para bumili ng damit.
Ngunit habang namimili siya ng damit ay nilapitan siya ng dalawang guwardiya at agad na inakusahang shoplifter.
Nabigla umano ang biktima at sinabing hindi siya shoplifter at upang maniwala ay pinakitaan pa niya ito maraming pera kasabay ng pagsasabing kagagaling lamang niya sa Japan.
Sapilitang dinala ang biktima sa isang kuwarto at doon ito pinaghubot-hubad. Tiningnan pa ang kaselanang bahagi ng kanyang katawan kung siya ay may tattoo.
Sinabi pa ng mga suspect na magbigay na lamang siya ng halagang P10,000 upang makalaya kasabay nang pagsasabing pag dinala pa siya sa pulisya ay mas malaki pa ang hihingin sa kanya ng mga ito.
Matapos ang insidente mabilis na nagtungo sa pulisya ang biktima at nagharap ng reklamo sa sinapit nito sa dalawang guwardiya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended