Tricycle sinuwag ng truck: 3 patay
July 31, 2004 | 12:00am
Tatlo katao ang namatay, samantalang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang banggain ng isang trak ang sinasakyan nilang tricycle, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.
Namatay habang ginagamot sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Isidro Rocamuda, 74; ang asawa nitong si Fidela, 65 at Vivencio Trinidad, 65. Samantala sugatan din sa naturang trahedya si Edelita Trinidad.
Agad namang naaresto ng pulisya ang driver ng trak na nakilalang si Julius Javier Gutierrez, 27.
Ayon sa ulat ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-3:41 ng hapon habang binabagtas ng mga biktima na noon ay sakay sa isang tricycle na minamaneho ng nasawing si Isidro ang isang one way street sa kahabaan ng E. Santos Brgy. Sto. Niño, ng nabanggit na lungsod.
Pagdating sa kanto sa nasabing lugar ay biglang pumasok sa nasabing one way street ang isang Isuzu truck na minamaneho ng suspect at dahil sa mabilis na takbo ay agad nitong sinuwag ng bangga ang tricycle.
Sa lakas ng pagkabangga ay halos mayupi ang tricycle at naipit ang mga biktima kung saan tatlo sa mga ito ang namatay sa pagamutan.
Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at serious physical injury ang suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest