^

Metro

Ambush: Ex-police, 1 pa dedo

-
Dalawa ang patay kabilang ang isang retiradong pulis, samantalang nasa kritikal namang kondisyon ang driver nito makaraang tambangan ng tatlong hindi pa nakikilalang mga salarin, kahapon ng umaga sa Pasig City.

Agarang namatay sanhi ng hindi mabilang na tama ng mga bala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina dating SPO4 Bienvenido "Boy" Ople, 57, dating nakatalaga sa Clearance and Logistic Command ng Pasig Police at si Virgilio Santos, 48, bayaw ni Ople at kapwa residente sa Brgy. Ugong ng nabanggit na lungsod.

Samantala, kasalukuyan namang nasa kritikal na kondisyon sa Pasig City General Hospital sanhi ng tama sa ulo at katawan ang driver ni Ople na si Antonio Macabangon.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ernesto Paraso, naganap ang insidente dakong alas-8:20 ng umaga habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Eagle St. malapit sa Sandoval Bridge sa Brgy. Ugong ng nasabing lungsod lulan ng kulay maroon na Mitsubishi Lancer na may plakang NNV-167.

Nabatid na papuntang munisipyo ng Pasig ang mga biktima para kunin ang papeles sa korte patungkol sa iniharap niyang electoral protest sa kasalukuyang brgy. captain sa Brgy. Ugong sa Pasig.

Natalo si Ople sa naganap na eleksyon kaya nagharap siya ng protesta na sinasabing kanya namang naipanalo

Pagdating sa nasabing lugar ay bigla na lamang silang hinarang isang kulay pulang kotse na doon lulan ang tatlong armadong suspect.

Walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng baril ang mga biktima.

Matapos ang isinagawang pamamaril mabilis na nagsisakay sa kanilang sasakyan ang mga suspect at saka nagsitakas.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpaslang at hindi rin inaalis ang anggulong may kinalaman sa politika ang naganap na krimen. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ANTONIO MACABANGON

BRGY

CLEARANCE AND LOGISTIC COMMAND

EAGLE ST.

EDWIN BALASA

ERNESTO PARASO

MITSUBISHI LANCER

OPLE

UGONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with