Nanloob,pumaslang sa 80 anyos,timbog
July 29, 2004 | 12:00am
Inaresto kahapon ng mga tauhan ng pulisya ang dalawang lalaking sangkot sa panloloob at pagpaslang sa isang 80-anyos na lola sa Marikina kamakailan.
Kasalukuyang nakapiit sa Marikina detention cell ang mga nadakip na suspect na sina Larry Silva (hindi ang aktor), 26, at Jose Nacion, 25, live-in partner ng ampong babae ng biktimang lola na si Rosalita Mendoza, 80.
Ayon sa pulisya, naaresto ang mga suspect dakong alas-6 ng umaga sa kanilang pinaglunggaan sa Sitio Payong Grand Villas, Brgy. Concepcion Uno ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na naaresto ang mga suspect makaraang makipag-ugnayan sa kagawad ng pulisya ang testigong si Gonzalo delos Santos, barkada ng mga nadakip.
Magugunitang nilooban at pinaslang ng mga suspect ang biktima dakong ala-1 ng madaling-araw noong Hulyo 18 sa bahay nito sa 113 C. dela Paz St., Brgy. San Roque ng nasabing lungsod.
Nakuha sa biktima ang P10,000 halaga ng pera matapos itong patayin sa pamamagitan ng pagtakip ng unan sa mukha ng matanda. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am