^

Metro

5 pang truck drivers naipit sa Iraq,nakauwi na

-
Lima sa 10 Pinoy truck driver na iniulat na kabilang sa mga kasamahan ng nakaligtas sa hostage taking sa Iraq na si Angelo dela Cruz ang nakabalik na sa bansa kahapon.

Ayon sa Dept. of Foreign Affairs at OWWA, bandang alas-2:45 ng hapon ng lumapag ang sinasakyan ng mga OFWs na Qatar Airways sa NAIA.

Nakilala ang mga dumating na kasamahan ni Angelo na sina Salman Ali Abdulsatar, Santiago Esteves Jr., Alfonso Francisco, George Dumangcas at Vicente Consigna, pawang mga empleyado ng Prime Projects International (PPI) na nakabase sa Baghdad.

Sinabi ni Angelo na mula sa NAIA ay dumiretso ang limang nabanggit sa OWWA-OWADEC Halfway Home sa Pasay City upang pansamantalang manatili doon bago sila umuwi sa kani-kanilang tahanan.

"Pera lang ang habol namin kaya nagpunta kami ng Baghdad," pahayag ni Abdulsatar, kasabay nang pagsasabing aabot sa 3,000 Riyals o P43,000 ang ibabayad sa kanila kada biyahe.

Binanggit pa nito na kung bibigyan siya ng pagkakataon gaya ng ibinigay ng pamahalaan kay Angelo dela Cruz ay hindi na siya babalik sa Gitnang Silangan. (Ulat nina Ellen Fernando at Butch Quejada)

vuukle comment

ALFONSO FRANCISCO

ANGELO

BUTCH QUEJADA

CRUZ

ELLEN FERNANDO

FOREIGN AFFAIRS

GEORGE DUMANGCAS

GITNANG SILANGAN

HALFWAY HOME

PASAY CITY

PRIME PROJECTS INTERNATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with