^

Metro

Konstruksyon pa sa Divisoria ipinahinto

-
Pansamantalang ipinahinto ni Manila Mayor Lito Atienza Jr. ang konstruksyon ng iba pang gusali sa Divisoria bunsod pa rin sa posibleng pagguho ng mga katabing building dito.

Kasabay nito, inatasan din ni Atienza ang binuong komite na siyasatin ang mga records ng construction ng building at magsagawa ng on-site inspections at testing.

Kahapon nagsimula na ang komite sa pangunguna ni Secretary to the Mayor Emmanuel Sison, City Engr. Armand Andres, Engr. Cesar Pabalan, Pres. ng Association of Structural Engr. of the Philippines at Dr. Benito Pacheco ng Phil. Institute of Civil Engrs. na magsagawa ng on-site inspection sa gumuhong SAI building na matatagpuan sa panulukan ng Juan Luna at Padre Rada Sts. sa Divisoria Manila.

Nabatid na pansamantalang ipinahinto ni Atienza ang ‘pile driving’ operations sa naturang lugar hanggang hindi pa nagbibigay ng katiyakan ang Engineering Department na isa ito sa dahilan ng pagguho ng SAI building at posible pa ring makaapekto sa structural integrity ng iba pang gusali.

Sinabi naman ni Engr. Andres na matatagalan pa bago malaman kung ano ang tunay na dahilan ng pagbagsak ng SAI building dahilan sa hanggang sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa rin sila ng clearing operation sa naturang lugar.

Isa pa rin umano sa dahilan ng pagkakaantala sa clearing operations ay ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad sa Insular Bank dahil sa hindi pa nakukuha ang pera sa vault at iba pang mahahalagang papeles na nakatago dito. (Ulat ni Gemma Amargo)

ARMAND ANDRES

ASSOCIATION OF STRUCTURAL ENGR

ATIENZA

CESAR PABALAN

CITY ENGR

DIVISORIA MANILA

DR. BENITO PACHECO

ENGINEERING DEPARTMENT

GEMMA AMARGO

INSTITUTE OF CIVIL ENGRS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with