Lifestyle check sa mga pulis,giit ni Reyes
July 27, 2004 | 12:00am
Bukod sa mga kotong/ hulidap cops pagtutuunan din ng pansin ng bagong upong si DILG Secretary ang mga pulis na may magarbong pamumuhay at may maraming mga asawa.
Kasabay nito, inatasan ni Sec. Reyes ang National Police Commission (NAPOLCOM) sa pagsasagawa ng lifestyle check sa mga pulis, partikular na sa mga opisyal para mabatid kung sinu-sino ang may magarbong pamumuhay na hindi akma sa tinatanggap na suweldo ng isang pulis.
Bukod dito, namimeligro rin ang mga pulis na may mga asawa na mahigit pa sa isa. Dapat din namang kuwestiyunin ang mga ito kung saan siya kumukuha nang pang sustento sa kanyang mga asawa.
Ang aksyon ay ginawa ni Reyes matapos na makatanggap ng ulat ang NAPOLCOM na ilang opisyal ng pulis ang may maraming misis at ang karamihan ay bumabalandera pa sa mga police headquarters at minsan ay doon pa nagpapang-abot ng mga karibal.
May ilang opisyal din ng PNP ang umanoy nagdiriwang pa ng kanilang birthday sa mga 5-Star Hotel na kung tutuusin sa liit ng sahod ay hindi niya kakayanin ang magbayad dito.
Ang ganitong kagarbuhan umano ang pinagmumulan kaya nadadawit sa paggawa ng katiwalian ang mga pulis.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended