496 guro sa Pasig City sinibak
July 23, 2004 | 12:00am
Dahil umano sa kakulangan ng pondo ay napilitang sibakin ng pamahalaang lungsod ng Pasig ang may 496 kaswal na mga guro sa pampublikong elementarya at high school.
Dahil dito ang mga natirang mga regular na guro ay nadagdagan ng bigat ng trabaho dahil sa kailangan nilang punan ang naiwang tungkulin ng mga inalis na guro.
Ang pagtatanggal sa mga guro ay inaprubahan ni Mayor Vicente Eusebio dahil sa umano ay kawalan ng budget para sa sahod ng mga guro sa lungsod.
Sa kanyang memorandum, ipinag-utos ni Eusebio sa pamamagitan ni Reynaldo Dionisio, administrator sa lungsod na hindi nakuha ng lungsod ang target na koleksyon ng buwis, masamang epekto ng halalan at pagbagsak ng ekonomiya sa rehiyon sa Asya.
Ang mga kontraktuwal na guro ay hindi na pinagtrabaho mula pa noong Hunyo nang umupo si Eusebio at palitan ang kanyang misis na si dating Mayor Soledad Eusebio. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended