2 katulong arestado sa 'kidnap me'
July 23, 2004 | 12:00am
Dalawang maid ang inaresto ng pulisya sa kasong robbery extortion makaraan ang isa sa mga ito ay magpa-kidnap me at magpatubos ng halagang P.8 milyon sa kanyang amo, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Nakilala ang mga naarestong suspect na sina Sheila May Quisel, 18, stay-in housemaid sa #2900 Leveriza St., Pasay City at Michelle Ybias, isa ring katulong ng Del Pilar St., Munoz, Quezon City.
Sa report ng Pasay City Police, base sa impormasyong nakuha kay Rita Angelita Hermoso, 29, isang writer, amo ni Quisel, sinabi nitong Hulyo 11 dakong alas-8:30 ng umaga, nagpaalam sa kanya ang katulong upang mag-day-off.
Pinayagan naman niya ito, subalit ganap na alas-9 ng gabi ay hindi pa rin ito umuuwi kayat tinawagan niya sa telepono ang kapatid ni Quisel para alamin kung nasa kanila ang katulong, subalit napag-alaman naman niya na wala ito roon.
Ilang saglit pa, nakatanggap ng text message si Hermoso, gayundin ang pinsan nitong si Randee Almond Gabriel na sinasabi ang mensaheng kinidnap si Quisel ng isang grupo ng mga kalalakihan.
Ayon pa sa mga abductors, hinihingan si Hermoso ng halagang P.8 M na kailangan nilang maibigay sa loob ng dalawang linggo.
Dahil dito, agad na nagreklamo si Hermoso sa Police Assistance Crime Emergency Response (PACER) sa Camp Crame.
Base sa pagsisiyasat ng pulisya, isang scenario umano ng kidnap me ang naganap kay Quisel.
Hulyo 21, dakong alas-2 ng hapon muling nakatanggap ng text message si Hermoso mula kay Quisel na ayon dito, nakatakas siya sa kanyang mga abductors at puntahan na lamang siya sa isang food chain sa Brgy. Guadalupe Viejo sa Makati.
Kaagad namang nagsagawa ng operasyon ang PACER kung saan namataan nga si Quisel kasama ang isa pang suspect na si Ybias.
Inamin ng mga ito na kidnap me nga ang nangyari at kakutsaba nila ang boyfriend ni Quisel na nakilala sa alyas na Mark.
Pinaghahanap pa ng pulisya ang pinaka-utak na si Mark, habang sina Quisel at Ybias naman ay pinagharap na ng kaukulang kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest