Tiwaling mga empleyado sa city hall,tutugisin ni SB
July 22, 2004 | 12:00am
Nagbanta kahapon si Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. sa mga tauhan ng city hall na kakasuhan at siguradong makakatikim ng parusa ang mga ito kapag napatunayang kakutsaba ng mga fixers na nambibiktima ng mga taong may mga transaksyon sa city hall.
Ang hakbang ay ginawa ni Belmonte matapos ihayag ang kanyang bantang kakalusin niya ang korapsyon sa city hall sa pamamagitan ng pagpapaiksi lamang sa araw sa pagkuha ng business at building permit sa tanggapang panglunsod.
Sa kasalukuyan, 10 araw bago makuha ang business permit kaya inihayag ni Belmonte na pinag-aaralan kung papaano ito paiigsihin maging sa pagkuha ng building permit.
Ikinagalit kamakailan ni Belmonte ang pagkakahuli sa isang Ferdinand Basa ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa aktong hawak-hawak ang P17,000 suhol para sa pagkuha ng building permit.
Si Basa ay kinasuhan ng falsification of public document, illegal possession of fake receipts at iba pa. P20,000 ang rekomendasyon na piyansa para makalaya ito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended