Bebs Reyes absuwelto sa Castro rape-slay
July 22, 2004 | 12:00am
Absuwelto sa kasong pagpatay kay Metrobank teller Candice Castro si Bebs Reyes.
Nabatid mula sa isang mapagkakatiwalaang impormante na nagpalabas na kahapon ng resolution si Manila Prosecutor Elserey Faith Noro para sa kasong kinakaharap nina Reyes at self-confessed killer Philip Marcelo na rape with homicide.
Nakasaad umano sa resolution na ligtas si Reyes sa naturang kaso at tanging si Marcelo lamang madidiin sa nasabing krimen.
Pinagbasehan ni Fiscal Noro ang isinumiteng ebidensiya ng Western Police District (WPD) Homicide division at mga testimonya ng testigo na si Reyes na nasa condo unit nito nang maganap ang sinasabing panggagahasa at pagpatay kay Castro, 23, noong Mayo 11, 2004.
Sa kabila ng pag-amin ni Marcelo sa harap ni Manila Mayor Lito Atienza Jr. matapos itong madakip tatlong araw matapos ang krimen, itinanggi naman nito ang partisipasyon sa kanyang counter-affidavit na isinumite kay Noro.
Itinuro ni Marcelo si Reyes na siyang mastermind sa krimen subalit walang isinumite na iba pang ebidensiya ang una na magdidiin sa huli.
Lumilitaw pa na sapat ang mga isinumiteng ebidensiya laban kay Marcelo gaya ng mga fingerprints at DNA test, na direktang nagtuturo sa kanya sa krimen.
Nakasaad umano sa resolution na walang makitang basehan ang piskalya upang maituro si Reyes sa krimen.
Subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa umano maipalabas ang nasabing resolution dahilan sa kasalukuyan pa itong nire-review ni Manila Chief Prosecutor Ramon Garcia matapos manggaling kay Fiscal Noro. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest