^

Metro

Pulis patay sa kulam

-
Palaisipan pa rin ngayon sa kaanak at mga kaibigan ng isang pulis ang biglaang pagkamatay nito sa hindi malamang kadahilanan, kamakalawa.

Si PO2 Richard Teoxon, nakatalaga sa Eastern Police District Criminal Investigation Unit ay idineklarang dead on arrival sa Phil. General Hospital makaraang isugod ito doon nang idaing nito ang matinding pananakit ng lalamunan at pagsakit ng tiyan.

Sa ulat, dakong alas-6 ng umaga ng dumaing ang biktima sa matinding sakit na naramdaman kaya agad itong isinugod ng kanyang misis na si PO2 Jessievel Teoxon sa nasabing pagamutan subalit hindi na ito umabot pang buhay.

Lumalabas na hindi umano maipaliwanag ng doktor ang eksaktong dahilan ng kamatayan ng biktima.

Bago namatay si Teoxon, malimit umano nitong idaing sa kanyang mga kasamahang pulis ang matinding sakit na nararamdaman sa tiyan at lalamunan.

Madalas din umano nitong sabihin sa kanyang mga kaibigan na parang may kumukulam sa kanya dahil sa hindi maipaliwanag ang sakit na kanyang nararamdaman. (Ulat ni Edwin Balasa)

EASTERN POLICE DISTRICT CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

EDWIN BALASA

GENERAL HOSPITAL

JESSIEVEL TEOXON

LUMALABAS

MADALAS

PALAISIPAN

RICHARD TEOXON

TEOXON

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with