^

Metro

Phone hacking syndicate nalansag

-
Nalansag ng mga awtoridad ang isang pinaghihinalaang notoryus na ‘phone hacking syndicate’ na bumibiktima ng P197-M sa Philippine Long Distance Company (PLDT) matapos na masakote ang tatlong dayuhan at lima nitong kasabwat na Pinoy sa isinagawang serye ng operasyon sa Metro Manila.

Sa ginanap na press briefing kahapon sa tanggapan ng Phil. Air Force (PAF) sa Villamor Air Base sa Pasay City iniharap ng mga opisyal sa pangunguna ni PAF Chief Major Gen. Jose Reyes sa mediamen ang mga nasakoteng suspect.

Kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Gulshan Kumar, Indian national; Avtar Singh, Indian national; Sirajul Islam Raju, Bangladesh at mga kasabwat ng mga itong Pinoy na sina Miguel Mapalad, Eraline Ycot, Ima Inrico, Ivy Custumbrado at ang bulag na si Anthony Inrico.

Sinabi ni Reyes na ang mga suspect ay dinakip ng pinagsanib na elemento ng 300th Air Intelligence Group ng Phil. Air Intelligence Security Agency ng PAF sa pakikipagtulungan ng Bureau of Immigration (BI) at PNP sa bisa ng search warrant, seizure at mission order sa hideout ng mga ito sa mga lungsod ng Makati, Mandaluyong, Pasig, Las Piñas na umabot pa sa karatig bayan ng Bacoor, Cavite sa loob ng ilang araw na operasyon simula nitong Hulyo 16 hanggang kahapon.

Ayon kay Reyes, ang nasabing cyber crime syndicates ay sangkot sa ‘hacking’ ng mga telecommunication system partikular na ang mga multi-national business companies sa bansa.

Sa inisyal na imbestigasyon ay napag-alamang illegal na nagnanakaw at nagbebenta ang mga suspect ng tawag sa International Direct Dialing (IDD) sa kanilang mga kliyente na karamihan ay mga dayuhan sa ibang bansa sa murang halaga.

Nabatid na malayang nakapagsasagawa ang mga suspect ng ilegal na operasyon sa pamamagitan ng pagkonekta sa Private Automatic Branch Exchange System ng mga pribadong korporasyon o ang hindi awtorisadong call-calling.

Sinabi naman ni Atty. David Narvasa na umaabot sa P197 M ang nalugi sa PLDT dahilan sa ilegal na aktibidad ng sindikato mula noong 1998 hanggang 2004.

Natuklasan lamang ang anomalya matapos na magreklamo sa kanilang tanggapan ang mga pribadong korporasyon na nagkaroon ng problema sa kanilang mga telepono matapos na mapasukan ng illegal calls na hindi naman sila ang gumagamit.

Inihahanda na ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa mga nasakoteng suspect. (Ulat nina Joy Cantos at Grace dela Cruz)

AIR FORCE

AIR INTELLIGENCE GROUP

AIR INTELLIGENCE SECURITY AGENCY

ANTHONY INRICO

AVTAR SINGH

BUREAU OF IMMIGRATION

CHIEF MAJOR GEN

DAVID NARVASA

ERALINE YCOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with