Lalaking binigti sa puno ng mangga ng vigilante
July 20, 2004 | 12:00am
Kakaibang estilo nang pag-salvage ang ginagawa ngayon ng isang grupo ng vigilante matapos na matagpuang nakabigti sa puno ng mangga ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na kanilang nilikida, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Ang biktima ay tinatayang nasa gulang na 17-19 anyos, may taas na 54 hanggang 55 talampakan, nakasuot ng puting t-shirt na may nakasulat na "Heavens Delight", maong na pantalon at tsinelas.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay natagpuan ni Jason Ruiz, isang pandesal vendor dakong alas-5:30 ng madaling-araw sa Lizst St., Ideal Subdivision, Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod.
Ang biktima ay nakabigti sa puno ng mangga gamit ang telephone wire.
Wala sa mga residente sa lugar ang nakakakilala sa biktima kung kaya posible umanong doon lamang ito nilikida ng mga vigilante sa pamamagitan nang pagbigti.
Ang bangkay ng biktima ay dinala sa PNP Crime Laboratory upang isailalim sa awtopsiya. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended