^

Metro

Mag-ama arestado sa shabu

-
Arestado ang isang 45-anyos na lalaki kasama ang 16-anyos na anak nito makaraang makuhanan ng iligal na droga sa dalang bag habang dumadalaw sa Pasig City Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kamakalawa sa nasabing lungsod.

Ang mga suspect ay nakilalang sina Enrico Garcia at anak nitong si Alvin, pawang residente ng Kapitan Ato St. Brgy. Sta. Cruz ng nasabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon ng dumalaw ang mga suspect sa Pasig City Jail na matatagpuan sa Brgy. Pinagbuhatan ng lungsod na ito upang dalawin ang isang babae na nakulong sa kasong iligal na droga.

Nang iniinspeksyon na ng duty guard na si JO1 Garry Ramos ang dala ng mga suspek ay nakuha sa pinakailalim ng kanilang bag ang isang sachet ng shabu na hindi pa batid ang dami.

Bukod sa shabu, nakuha pa rin ni JO1 Ramos sa wallet ni Enrico ang isang improvised plastic toother.

Nakapiit ngayon ang mga suspek sa Pasig City detention cell habang sasampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ALVIN

ARESTADO

BRGY

EDWIN BALASA

ENRICO GARCIA

GARRY RAMOS

KAPITAN ATO ST. BRGY

PASIG CITY

PASIG CITY JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with