Ticketing system pinatitigil ng MMDA
July 19, 2004 | 12:00am
Pinatigil muna ni Metropolitan Manila Development Authority MMDA Chairman Bayani F. Fernando ang pagpapatupad ng bagong ticketing system sa mga tsuper na violator upang mapag-aralan at makabisado ng enforcers ang pag-fill-up sa ipinalit na dating Traffic Violation Receipt (TVR) na ngayon ay Metropolitan Traffic Ticket (MTT) dahil marami pa rin ang nalilito dito kung saan kadalasang nagkakamali sila sa pagpapataw ng traffic violation.
Sinabi ni Fernando na kailangan ang pamilyarisasyon sa bagong labas na ticket na gagamitin dahil kumplikado at machine operated ito.
Ayon pa sa nasabing opisyal, hindi dapat magkamali ang enforcer sa paglalagay ng violation code dahil sila ang mananagot sa pagbabayad sa Metrobank sakaling magkaroon ng aberya sa ticket.
Gayunman, hindi 100% na mareresolba ang pangongotong ng mga enforcer sa nasabing ticketing system dahil ayon sa maraming drivers mas bukas ngayon ang "lagayan" dahil wala nang kumpiskahan ng lisensiya kaya pakiusapan na lamang na huwag silang matikitan upang hindi na maabala sa pagbabayad sa bangko.
Napag-alaman na sinimulan ang implementasyon ng ticketing system noong Hulyo 15, 2004.
Ngunit, pansamantalang ipinatigil ni Fernando ang ticketing system para makabisado ng mga enforcers ang tamang proseso sa pag-fill-up kaugnay sa mga violation code at halaga ng multa hinggil sa nilabag na batas trapiko. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended