Bataan-PNP director nasa hot water
July 18, 2004 | 12:00am
Nalalagay ngayon sa "hot water" ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos na isangkot ng umanoy isang jueteng lord ang pangalan nito na nagbibigay ng proteksiyon sa operasyon ng jueteng sa ilang bayan sa lalawigan ng Bataan.
Bunga nito inutos ni Interior and Local Government Secretary Angelo Reyes ang masusing imbestigasyon hinggil sa pagkakasangkot ng pangalan ni Bataan-PNP director Supt. Elmer Macapagal na nagbibigay umano ng proteksiyon kay Elan Nagano na operator ng jueteng sa nasabing lalawigan.
Ayon kay Reyes, may natanggap siyang impormasyon na pinagmamalaki ni Nagano na may proteksiyon siya mula kay Macapagal upang makapag-operate ng jueteng sa Bataan.
Hindi umano maaaring hulihin ang jueteng ni Nagano dahil may proteksiyon at go signal umano ito ni Macapagal.
Lumilitaw na tatlong beses binobola ang jueteng ni Nagano sa Orion, Hermosa, Samal, Pilar, Balanga at Morong pawang mga nasasakupan ng bayan ng Bataan.
Sa kabila nito, pinayuhan ni Reyes si Macapagal na gumawa ng aksiyon laban sa isyung kinasasangkutan niya dahil posible siyang matanggal sa kanyang posisyon bilang provincial director. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest